UP Diliman Creative/Critical Thesis Grant in the Arts, Culture, and the Humanities (UPD CCTGACH)

The UP Diliman Creative / Critical Thesis Grant in the Arts, Culture, and the Humanities (UPD CCTGACH) program was approved by the UP Board of Regents during its 1323rd Meeting on 16 December 2016. It is a competitive outright grant that provides financial assistance for research and / or creative work for thesis, dissertation, or capstone projects* of undergraduate and graduate students of UP Diliman in programs related to the practice and critical study of arts and culture.
The amount of the grant is PhP 50,000 for undergraduate students, PhP 75,000 for master’s students, and PhP 100,000 for doctoral students.
*The inclusion of capstone projects was an amendment to the guidelines that was approved by the UP Board of Regents during its 1367th Meeting on 27 January 2022.
Ang programang UP Diliman Creative/Critical Thesis Grant in the Arts, Culture, and the Humanities (UPD CCTGACH) ay pinagtibay ng Lupon ng mga Rehente ng UP sa Ika-132 Pulong nito noong 16 Disyembre 2016. Ito ay isang kompetitibong outright grant na nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga saliksik at/o malikhaing gawa para sa tesis, disertasyon, o capstone project* ng mga estudyanteng di-gradwado at gradwado ng UP Diliman mula sa mga programang may kinalaman sa pagsasanay at/o kritikal na pag-aaaral ng sining at kultura.
Ang halaga ng gawad ay PhP50,000 para sa di-gradwadong estudyante, PhP75,000 para sa estudyanteng nasa programang masterado, at PhP100,000 para sa mga estudyanteng nasa programang doktoral.
*Ang pagbigay ng gawad para sa mga capstone project ay isang pagbabago sa orihinal na panuntunan ng programa na inaprubahan ng UP Lupon ng mga Rehente sa kanilang ika-1367 Pulong noong 27 Enero 2022.
- The applicant must have passed the research methods subject (i.e. 199 course number for undergraduate/bachelor’s, 299 for master’s and 399 for doctoral) or capstone pre-requisite course of his or her program;
- General Weighted Average (GWA) is not lower than 2.00 during the semester prior to application;
- Has a faculty member as their thesis or capstone project adviser;
- Must be in their final semester of study or enrolled in the thesis / dissertation subject (i.e. 200 course number for undergraduate / bachelor’s students; 300 or 400 course number for Master’s and Doctoral students) or capstone project course.
- (for Masters and Doctoral students) Must have passed their thesis/dissertation proposal defense.
1. Kailangang naipasá ng aplikante ang asignaturang mga pamamaraan sa saliksik (research methods) sa kaniyang programa (i.e. 199 ang bilang ng kurso sa di-gradwado/batsilyer, 299 sa master, o 399 sa doktorado) o ang kinakailangang kurso (pre-requisite) bago nila kuning ang sa kursong pang capstone.
2. Ang General Weighted Average (GWA) ay hindi bababa sa 2.00, sa nagdaang semestre bago ang panahon ng aplikasyon;
3. May tagapayong kasapi ng kaguruan;
4. Kailangang nasa hulíng semestre ng pag-aaral o nakaenrol sa asignaturang tesis (i.e. 200 ang bilang ng kurso sa di-gradwado/batsilyer) at nakaenrol sa asignaturang tesis o disertasyon (i.e. 300 o 400 ang bilang ng kurso para sa mag-aaral ng master at doktorado) o sa kursong proyektong capstone.
Requirements:
- Cover letter addressed to the UP Diliman Chancellor through the UPD-OICA Director;
- Research proposal which is aligned to any items in the research agenda of UPD-OICA;
- Duly accomplished Application Forms 1 and 2 endorsed by the faculty adviser, department head / institute director (if applicable) and college dean. The forms can be downloaded here;
- True copy of grades (TCG) of the first semester of the current academic year, certified by the College Secretary of the unit where the applicant is enrolled;
- Portfolio of the applicant’s creative works or research works;
- Thesis proposal evaluation form to be accomplished by the Department Head or College Dean;
- Two (2) recommendations letters from an artist or an arts and humanities scholar about the applicant’s potential as an artist and/or scholar. The form can be downloaded here.
Procedure:
- Applicants must prepare the following documents and forward them to the Chair and/or Dean for their endorsement on Application Form 2:
a. Cover letter
b. Research proposal
c. Application Form 1 and 2
d. True Copy of Grades
e. Portfolio
The use of e-signatures is allowed.
After receiving the endorsement of the Dean, the applicantstudent must submitupload all the documents using this online form: https://bit.ly/UPDCCTGACHApplications - The thesis proposal evaluation form must be forwarded to and accomplished by the Department head or Dean and submitted to UPD-OICA on or before the deadline using this online form: https://bit.ly/CCTGACHEvalRecom
- Referees must submit their recommendation forms directly to UPD-OICA using this online portal– https://bit.ly/CCTGACHEvalRecom–or by sending it to UPD-OICA Office, Purok Aguinaldo cor. C.P. Garcia, UP Campus, Quezon City, on or before the deadline.
ALL DOCUMENTS MUST BE SUBMITTED BY THE GIVEN DEADLINE. Incomplete applications will not be processed.
Mga Kahingian:
- Liham sa Tsanselor ng UP Diliman na pinadaan sa Direktor ng UPD-OICA;
- Panukala sa saliksik na tugma sa alinman sa adyenda sa saliksik ng UPD-OICA;
- Sinagutang Pormularyo sa Aplikasyon 1 at 2 na inendorso ng gurong tagapayo, tagapangulo o direktor ng linangan at ng dekano ng kolehiyo. Maaaring i-download ang mga pormularyo dito;
- True copy of grades (TCG) sa nagdaang semestre bago ang kasalukuyang taong pang-akademiko, na may sertipikasyon ng Kalihim ng Kolehiyo ng yunit kung saan nakaenrol ang aplikante;
- Portfolio ng malikhaing gawa o mga pag-aaral / saliksik akda ng aplikante;
- Pormularyo sa Ebalwasyon ng Panukalang Tesis na sinagutan ng Tagapangulo ng Departamento o Direktor ng Linangan o ng Dekano ng Kolehiyo;
- Dalawang (2) rekomendasyon mula sa isang artista o ng iskolar sa sining at humanidades hinggil sa potensiyal ng aplikante na maging artista at/o iskolar sa hinaharap. Maaaring i-download ang mga pormularyo dito;
Proseso:
- Kailangang ihanda ng aplikante ang mga sumusunod na dokumento at ipadala sa Tagapangulo/Direktor at/o Dekano para ma-endorso gamit ang Pormularyo sa Aplikasyon 2:
a. Liham sa Tsanselor
b. Panukala sa saliksik
c. Pormularyo sa Aplikasyon 1 at 2
d. True Copy of Grades
e. Portfolio
Maaaring gumamit ng e-lagda sa mga dokumento.
Matapos ma-endorsohan ng Dekano, kailangan isumite ng aplikante ang mga dokumento gamit ang online na pormularyo: https://bit.ly/UPDCCTGACHApplications - Kailangan ipadala ng aplikante ang Pormularyo sa Ebalwasyon ng Panukalang Tesis sa Tagapangulo/Direktor o Dekano na kanilang kailangang sagutin at ipadala sa UPD-OICA bago ang, o sa petsa ng, huling araw ng pagsumite ng aplikasyon gamit ang online na pormularyo: https://bit.ly/CCTGACHEvalRecom
- Ang mga pormularyo sa rekomendasyon ay dapat ipadala ng napiling tagarekomenda deretso sa opisina ng UPD-OICA gamit ang online na pasukan–https://bit.ly/CCTGACHEvalRecom–o sa pamamagitan ng pagpapadala ng nasagutang pormularyo sa UPD-OICA Office, Purok Aguinaldo cor. C.P. Garcia, UP Campus, Quezon City, bago ang, o sa petsa ng, huling araw ng pagsumite ng aplikasyon.
LAHAT NG DOKUMENTO AY DAPAT MAISUMITE BAGO ANG, O SA HULING ARAW NG PAGSUMITE NG APLIKASYON. Hindi tatanggapin at ipo-proseso ang mga aplikasyon na may kulang na dokumento.
For further inquiries please contact the program coordinator at 8981-8500 local VoIP 2658 or send an email to cctgach_oica.upd@up.edu.ph.
Para sa iba pang tanong, kontakin ang tagapag-ugnay ng programa sa 8981-8500 o local VoIP 2658 o magpadala ng email sa cctgach_oica.upd@up.edu.ph.