UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (UPD VACSSP)

The UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (UPD VACSSP) is a scholarship in the form of a tuition waiver (and other fees) or a stipend awarded by the UPD Chancellor through OICA to deserving UPD undergraduate students in the visual arts and in programs related to arts and cultural criticism. It is renewable every academic year.
Ang UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (UPD VACSSP) ay iskolarsyip sa anyo ng tuition waiver (at iba pang bayarin) o stipend na ibinibigay ng Tsanselor ng UPD sa pamamagitan ng OICA sa mga karapat-dapat na mag-aaral na di-gradwado ng UPD sa sining biswal at sa mga programang kaugnay ng mga sining at kritisismong pangkultura. Mare-renew ito bawat akademikong taon.
- Priority CRS enlistment
- Conferment of certificate and token during Parangal sa Mag-aaral
- Choice of: Tuition Waiver or Stipend
Tuition Waiver – This is a tuition and other school fees (OSF) waiver and is availed by PASP recipients who are not covered by R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the no tuition policy, or any other tuition waiving grants.
Stipend – This is a semestral allowance of PhP 10,000.00 availed by PASP recipients who are covered by R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the no tuition policy, or who enjoy other tuition waiving grants.
Important: A PASP scholar is allowed to choose only one (1) between tuition waiver and stipend.
- Priyoridad sa CRS Enlistment
- Pagkakaloob ng sertipiko at token sa Parangal sa Mag-aaral
- Pipili sa: Tuition Waiver o Stipend
Tuition Waiver – May waiver sa tuition at other school fees (OSF) at maaaring matamasa ng mga recipient ng PASP na hindi saklaw ng R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ng no tuition policy o anumang iba pang tuition waiving na gawad.
Stipend – Isa itong semestral na allowance na PHP10,000.00 na matatamasa ng tumanggap ng PASP na saklaw ng R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ng no tuition policy, o ng tumatamasa na ng ibang tuition waiving na gawad.
Mahalagang paalala: Makapipili ang PASP iskolar ng isa (1) lamang sa alinman sa tuition waiver o stipend.
- Undergraduate students under any academic program related to visual arts, and arts and cultural criticism. These programs include, but are not limited to, art studies, comparative literature, language studies or linguistics, creative writing, film studies, theater studies, anthropology, communications and media studies, Philippine cultural studies, and history.
- Students who have the potential to be an exemplary artist or scholar as attested to by current or former instructors, a community-based artist, an art scholar, a cultural studies scholar, or an established artist.
- The applicant must have been enrolled in at least the minimum number of academic units considered as a regular load for each of the semesters of the previous academic year.
- (for new applicants) The student must have a GWA of 1.75 or higher for each of the semesters of the previous academic year.
- The applicant must not have a grade of 5.00, unremoved 4.00 or INC in the semesters being considered.
- Mga mag-aaral na di-gradwado sa ilalim ng anumang programang akademiko kaugnay ng sining biswal, at mga kritisismong pansining at pangkultura. Ang mga programa ay kinabibilangan, ngunit hindi limitado sa araling pansining, komparatibong panitikan, araling pangwika o lingguwistika, malikhaing pagsulat, araling pampelikula, araling panteatro, antropolohiya, komunikasyon at araling pang-media, araling pangkultura ng Pilipinas, at kasaysayan.
- Ang mga mag-aaral na may potensiyal na maging natatanging artist o iskolar (sa pagpapatunay ng kasalukuyan o dating guro), artist mula sa komunidad, iskolar sa sining, iskolar sa araling pangkultura, o kilalang artist.
- Ang aplikante ay kailangang nakaenrol sa hindi bababa sa minimum na bilang ng akademikong yunit na itinuturing bilang regular na load para sa bawat semestre ng nagdaang akademikong taon.
- (para sa mga bagong aplikante) Ang mag-aaral ay kailangang may GWA na 2.00 o mas mataas pa, sa bawat semestre ng nagdaang akademikong taon.
- Ang aplikante ay dapat walang gradong 5.00, di dumaan sa removal na 4.00 o INC sa mga semestreng tinutukoy.
- The applicant must submit the following documents:
- Duly accomplished application form (OICA-VACSSP-Form-No.-1-Application-Form) (Download here) endorsed by the Department Chair or Director and the Dean
- Cover letter addressed to the UPD Chancellor through the Director of the UPD-OICA
- True Copy of Grades (TCG) from the preceding semesters certified by the College Secretary of the unit where the applicant is enrolled
- (for new applicants) Two (2) duly accomplished recommendation forms (OICA-VACSSP-Form-No.-4-Recommendation-Form) (Download here) from a faculty, artist, cultural worker or arts and humanities scholar. One of the recommendation letters must be accomplished by a faculty member from the student’s program. The form will be submitted by the referee directly to UPD-OICA using the link: https://bit.ly/UPDVACSSPRecommendations
- Portfolio containing 5 to 15 creative or research work (e.g. papers, audio, video, images, etc.)
- Applicant’s statement on body of work (150-200 words)
- Signed Data Privacy Consent Form (OICA-VACSSP-Form-No.3-Consent-Form). (Download here)
- (for renewing applicants) A progress report as a student in visual arts and cultural studies
- Electronic signatures on the application documents and recommendation form shall be accepted.
- All requirements (except for the recommendation forms) shall be submitted by uploading them to this link https://bit.ly/UPDVACSSPApplications on or before the designated deadline. A confirmation email shall be sent by the Program Coordinator upon receipt.
- Applications submitted beyond the prescribed deadline will not be accepted.
- Kailangang magsumite ang aplikante ng sumusunod na dokumento:
- Sinagutang pormularyo sa aplikasyon (OICA-VACSSP-Form-No.-1-Application-Form) (I-download dito) na inendoso ng Tagapangulo ng Kagawaran o Direktor at ng Dekano
- Liham sa Transelor ng UPD sa pamamagitan ng Direktor ng UPD-OICA
- True Copy of Grades (TCG) ng nagdaang mga semestre na sinertipikahan ng Kalihim ng Kolehiyo ng yunit na kinabibilangan ng aplikante.
- (para sa new applicants) Dalawang (2) sinagutang pormularyo ng rekomendasyon (OICA-VACSSP-Form-No.-4-Recommendation-Form) (I-download dito) mula sa guro, artist, manggagawang pangkultura o iskolar sa sining at humanidades. Isa sa mga liham ng rekomendasyon ay kailangang isinulat ng isang guro sa programa ng mag-aaral. Ang pormularyo ay isusumite mismo ng referee sa UPD-OICA gamit ang link na: https://bit.ly/UPDVACSSPRecommendations
- Applicant’s statement (150-200 na salita)
- Portfolio na naglalaman ng 5 hanggang 15 na malikhaing akda o saliksik (e.g. paper, audio, video, mga imahen, at iba pa)
- Nilagdaang Data Privacy Consent Form (OICA-VACSSP-Form-No.3-Consent-Form). (I-download dito)
- (para sa renewing applicants) Isang progress report bilang mag-aaral ng sining biswal at araling pangkultura
- Tinatanggap ang elektronikong lagda sa mga dokumento ng aplikasyon at pormularyo ng rekomendasyon.
- Ang lahat ng kahingian (liban sa pormularyo ng rekomendasyon) ay isusumite sa pamamagitan ng pag-upload sa link na ito: https://bit.ly/UPDVACSSPApplications sa o bago ang itinakdang deadline. Magpapadala ang Tagapag-ugnay ng Programa ng email na kukumpirma sa pagkakatanggap ng aplikasyon.
- Hindi tatanggapin ang mga aplikasyong isinumite nang lagpas sa itinakdang deadline.
- The UPD Chancellor through the OICA Director shall constitute a steering committee to evaluate the applications for the scholarship.
- The steering committee shall submit a list of recommended scholars to the OICA Advisory Board.
- The OICA Advisory Board shall evaluate the recommended scholars of the steering committee in order to endorse a final list to the UPD Chancellor for approval.
- OICA will post the list of successful applicants on its official website and Facebook page and all applicants will be notified of the status of their application through email.
- Ang Tsanselor ng UPD sa pamamagitan ng Direktor ng OICA ay bubuo ng steering committee na susuri sa mga aplikasyon para sa iskolarsyip.
- Ang steering committee ay magsusumite ng listahan ng mga inirerekomendang iskolar sa OICA Lupong Tagapayo.
- Ang OICA Lupong Tagapayo ang susuri sa mga inirekomendang iskolar ng steering committee upang iendoso ang pinal na listahan para sa pag-aproba ng Tsanselor ng UPD.
- Ilalathala ng OICA ang listahan ng mga matagumpay na aplikante sa kanilang opisyal na website at Facebook page at ipapaalám sa lahat ng aplikante ang istatus ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng email.
All VACSSP applicants will be informed of the screening results via email. Those who qualify for the VACSSP shall be instructed on the following availment process:
TUITION WAIVER
Qualified scholars availing of the tuition waiver must submit the following requirements via email to vacssp_oica.upd@up.edu.ph on or before the designated deadline:
- Duly accomplish Certification of Scholarship form (OICA-VACSSP-Form-No.2-Certification-of-Scholarship) (Download here)
- A copy of their Form 5A before assessment.
Once verified and signed by OICA, the scholarship form will be emailed to the Office of the University Registrar (OUR) who will tag the VACSSP scholar for special assessment. A copy shall also be given to the scholar. The scholar may now proceed to complete his/her enrollment.
STIPEND
Scholars availing of the stipend can go through the regular enrollment process. After completion of enrollment, they must submit the following requirements to OICA via email vacssp_oica.upd@up.edu.ph on or before the designated deadline.
- Copy of Form 5
- Clear photo of Landbank ATM card
For those who do not have a Landbank account, they may proceed with the online application through the Landbank website. After the online application, the applicant will have to go to the bank just once for the signing and submission of the required documents and finalization of the application. Minimum initial deposit is Php 500.00.
Applicants may also opt for a fully-online application for a digital account through the Landbank Mobile Banking App which they can later upgrade to a regular Landbank Visa Debit Card.
After submission of the above requirements, OICA will proceed with the processing of voucher for stipend payment. The scholars will be notified via email once the payment has been deposited to their respective Landbank accounts.
Padadalhan ng pabatid ang lahat ng aplikante sa VACSSP sa pamamagitan ng email hinggil sa resulta ng pag-iskrin. Ang mga kuwalipikado para sa VACSSP ay bibigyan ng instruksiyon sa sumusunod na proseso ng pagkakaloob:
TUITION WAIVER
Ang mga kuwalipikadong iskolar na pinili ang tuition waiver ay kinakailangang magsumite ng mga kahingian sa pamamagitan ng pag-email sa vacssp_oica.upd@up.edu.ph sa o bago ang itinakdang deadline:
- Sinagutang pormularyo ng Sertipikasyon ng Iskolarsyip (Duly accomplish Certification of Scholarship form (OICA-VACSSP-Form-No.2-Certification-of-Scholarship) (I-download dito)
- Kopya ng kanilang Form 5A bago ang assessment.
Kapag naberipika at nalagdaan ng OICA, ipadadala sa email ang form ng iskolarsyip sa Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad (OUR) na tutukoy sa VACSSP iskolar para sa special assessment. Bibigyan din ng kopya ang iskolar. Maaari nang magpatuloy ang iskolar para tapusin ang kaniyang pag-eenrol.
STIPEND
Ang mga iskolar na pinili ang stipend ay dadaan sa regular na proseso ng enrolment. Pagkaraan ng enrolment, kinakailangang magsumite ng mga kahingian sa pag-email sa vacssp_oica.upd@up.edu.ph sa o bago ang itinakdang deadline:
- Kopya ng Form 5
- Malinaw na retrato ng Landbank ATM card
Tala: Sa mga walang Landbank account, maaari silang magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng Landbank website. Pagkaraan ng online aplikasyon, kailangang magtungo sa bangko ang aplikante para sa paglagda at pagsusumite ng kahingiang dokumento at pagsasapinal ng aplikasyon. Ang minimum na inisyal na deposit ay PHP500.00.
Mapipili rin ng mga aplikante ang fully-online na aplikasyon para sa digital account sa pamamagitan ng Landbank Mobile Banking App na maa-upgrade nila pagkaraan bilang regular na Landbank Visa Debit Card.
Pagkaraang maisumite ang mga nabanggit na kahingian, ipoproseso ng OICA ang voucher para sa pagbabayad ng stipend. Padadalhan ng pabatid sa email ang iskolar kapag naideposito na ang bayad sa kaniyang Landbank account.
- The scholarship is renewable every academic year upon submission of requirements. The renewal follows the same procedure as a new application except that a recommendation letter is no longer needed for reapplication.
- A scholar who fails to be renewed may apply again in the succeeding academic year.
- UPD-VACSSP Scholars covered by RA 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education or the no tuition policy may no longer apply for the tuition waiver but shall remain eligible for the stipend.
- Mare-renew ang iskolarsyip kada taon pagkaraang maisumite ang mga kahingian. Dadaan ang renewal sa parehong pamamaraang gaya ng reaplikasyon ngunit hindi na kailangan pa ng liham rekomendasyon.
- Para muling makapag-aplay, kailangang ang iskolar ay:
● May GWA na 2.25 o mas mataas para sa bawat semestre ng nagdaang akademikong taon; at
● Ulat ng nagawa bilang mag-aaral ng sining biswal at araling pangkultura
Filipino Translation of the UPD-OICA Website - Ang iskolar na hindi na-renew ay maaaring mag-aplay sa susunod na akademikong taon.
- Ang recipient ay hindi maaaring mag-aplay muli sa loob ng isang akademikong taon ang iskolar kapag:
● nagkaroon siya ng gradong 5.0 , at
● nagkaroon siya ng GWA na mas mababa sa 2.25 - Ang mga iskolar ng UPD-VACSSP na sakop ng RA 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education o ang No Tuition Policy ay hindi na maaaring mag-aplay para sa tuition waiver ngunit maaaari pa ring mag-aplay para sa stipend.
Para sa iba pang tanong, kontakin
For further inquiries please contact the program coordinator at 8981-8500 local VoIP 2658 or send an email to vaccsp_oica.upd@up.edu.ph.
Para sa iba pang tanong, kontakin ang tagapag-ugnay ng programa sa 8981-8500 o local VoIP 2658 o mag-email sa vacssp_oica.upd@up.edu.ph.