Skip to main content
Navigation

UPD-OICA RESEARCH and EXTENSION AGENDA: 2024-2026

OICA Research & Extension Agenda (2024-2026)

OICA Adyenda sa Saliksik at Ekstensiyon (2024–2026)

UPD-OICA is the administrative unit tasked to provide the direction for artistic and cultural activities, projects, and engagements in and by UP Diliman. As the University comes out of the pandemic, which brought to the surface more vividly the social disparities within and beyond the University as well as the limitations in our infrastructure, UPD-OICA sees research and extension work in the fields of cultural studies and the arts as having a critical role in engaging with these issues. 

Ang UPD-OICA ang yunit administratibo na naatasang magtakda ng direksiyon para sa mga programa sa sining at kultura, mga proyekto, at ugnayan sa loob at sa pamamagitan ng UP Diliman. Sa pagbangon ng Unibersidad mula sa pandemya, na lalong naglantad sa mga umiiral na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan at sa loob ng kampus, pati na rin sa mga limitasyon ng ating impraestruktura, nakikita ng UPD-OICA ang mahalagang papel ng pananaliksik at gawaing ekstensiyon sa larang ng aralin sa kultura at sining sa pagtugon sa mga usaping ito.

Guided by the general themes of sustainability, equity, and justice, UPD-OICA encourages and supports projects that align with the following United Nations Sustainable Development Goals (SDGs):

Alinsunod sa mga pangkalahatang tema ng sostenibilidad, pagkakapantay-pantay, at katarungan, hinihikayat at sinusuportahan ng UPD-OICA ang mga proyektong nakaugnay sa sumusunod na mga Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations:

● quality education
● gender equality
● affordable and clean energy
● industry, innovation and infrastructure
● sustainable cities and communities
● responsible consumption and production
● climate change
● peace, justice and strong institutions
● partnerships to achieve sustainable development goals

● de-kalidad na edukasyon
● pagkakapantay-pantay ng kasarian
● abot-kaya at malinis na enerhiya
● industriya, inobasyon, at impraestruktura
● mga likas-kayang lungsod at komunidad
● responsableng pagkonsumo at produksiyon
● pagbabago ng klima
● kapayapaan, katarungan, at matibay na mga institusyon
● pagtutulungan para sa pagsasakatuparan ng mga SDGs

Research, creative work, and special projects conducted in relation to the different programs of UPD-OICA, namely, Artist Support, Audience Development, Venue Development, and Cultural Exchange, are intended to provide a critical lens on how we can move forward on particular understandings, practices, and issues related to the following areas of special interest:

Layon ng mga pananaliksik, malikhaing gawa, at natatanging proyekto sa ilalim ng iba’t ibang programa ng UPD-OICA, tulad ng Suporta sa mga Artist, Pagdevelop ng Audience, Pagdevelop ng Venue, at Palitang Pangkultura, na maging mapanuring lente tungo sa mas malalim na pag-unawa at pagharap sa sumusunod na larang ng interes:

● Environment and ecology
● Creation and preservation of heritage
● The telling of history
● Community development, community engagement
● Community identity, community traditions
● Social life in urban settings
● Science, technology and society
● Human diversity and inequality
● Building inclusive communities and spaces
● Linguistic diversity
● Globalization, global and local relations
● The ethics and aesthetics of/in design
● Educational programs and institutions
● Work and operations in creative industries
● Transmission of indigenous and local knowledge and traditions
● Media and Information Literacy
● The arts and artistic trends
● Cultural Resource Management
● Use and preservation of material culture
● Governance in/of culture and the arts
● Social and culture change

● Kalikasan at ekolohiya
● Paglikha at pangangalaga ng mga pamana
● Pagsasalaysay ng kasaysayan
● Pagpapaunlad at pakikipag-ugnayan sa komunidad
● Pagkakakilanlan at tradisyon ng komunidad
● Pamumuhay at pakikisalamuha sa kalunsuran
● Agham, teknolohiya, at lipunan
● Pagkakaiba-iba at hindi pagkakapantay-pantay ng tao
● Pagbubuo ng mga ingklusibong komunidad at espasyo
● Pagkakaiba-ibang lingguwistiko
● Globalisasyon at ugnayang global at lokal
● Etika at estetika ng/dahil sa disenyo
● Mga programang pang-edukasyon at mga institusyon
● Gawain at operasyon ng mga malikhaing industriya
● Transmisyon ng katutubo at lokal na kaalaman at tradisyon
● Midya at Kaalamang Pang-impormasyon
● Sining at bagong direksiyon sa sining
● Pangangasiwa ng Yamang Pangkultura
● Paggamit at pangangalaga ng materyal na kultura
● Pamamahala ng/sa kultura at sining
● Pagbabagong panlipunan at pangkultura