Samahan ninyo kami sa 𝘿𝙪𝙮𝙖𝙣 𝙆𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙜𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜: 𝘗𝘢𝘨𝘱𝘶𝘱𝘶𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘏𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘮𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘜𝘗 𝘋𝘪𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯 ngayong Pebrero 24, 3 n.h. sa University Theater! Sama-sama nating ipagbunyi ang mga bagong hirang na Pambansang Alagad ng Sining mula sa komunidad ng UP Diliman:
Gemino Abad para sa Panitikan,
Fides Cuyugan-Asensio para sa Musika,
Ricardo Lee para sa Pelikula at Broadcast Arts,
Agnes Locsin para sa Sayaw, at
Antonio Mabesa para sa Teatro.
But wait, there’s more! Hindi lang uulan ng awards dahil may handog ding pasabog na performances!
Ma-fall sa mga bagong National Artist at iba pang award-winning talent!
Mahumaling sa mga awitin, sayaw, at pagtatanghal tampok ang mga premyadong artista-manlilikha-iskolar ng bayan!
I-contact lamang si Ms. Janeane (0956 135 1110) upang makakuha ng tickets. Maaaring i-claim ang inyong tickets sa OICA office mula Pebrero 20-23 o sa mismong araw ng event sa Biyernes sa UP Theater. Kitakits mga ka-KALOOB!
—
Di ka nilibre ni crush? 💔 Kami na ang manlilibre sa’yo! 👌
Punta na sa LIBRENG fan meeting ng mga bigating legit content creators ng ating bansa!
𝘿𝙪𝙮𝙖𝙣 𝙆𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙜𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜: 𝘗𝘢𝘨𝘱𝘶𝘱𝘶𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘏𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘮𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 mula sa 𝘜𝘗 𝘋𝘪𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯! 🎉
Ma-fall sa kanilang dangal at husay sa paggawa ng art na hindi lang ✨estetik✨, may social relevance din! ❤️🔥
Magpa-reserve na kay Ms. Janeane (0956 135 1110) ng tickets. At pwede itong i-claim sa OICA office along C.P. Garcia thru Ikot jeep 💛 (freshies, wag kabahan pag lumabas sa UP yung jeep 🤗) mula Feb. 20 hanggang sa mismong araw ng event, Feb. 24, sa UP Theater! 🎭
Isama ang mga kapamilya, kapuso, kaibigan o ka-ibigan! 🧑🏽🤝🧑🏽
—
Para sa iba pang kaganapang bahagi ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2023, pumunta lamang sa bit.ly/2023UPDACF.